!NODRAP

GMA made another big move. That was when she gave ex-president Estrada a PARDON!

Oh Pleeeeesh….

The full text of Mrs. Arroyo’s grant of pardon to Estrada follows:

“Whereas, this administration has a policy of releasing inmates who have reached the age of 70;

“Whereas, Joseph Ejercito Estrada has been under detention for six and a half years;

“Whereas, Joseph Ejercito Estrada has publicly committed to no longer seek any elective position or office;

“In view hereof and pursuant to the authority conferred upon me by the Constitution, I hereby grant executive clemency to Joseph Ejercito Estrada, convicted by the Sandiganbayan of plunder and imposed the penalty of reclusion perpetua. He is hereby restored to his civil and political rights.

“The forfeitures imposed by the Sandiganbayan remain in force and in full, including all writs and processes issued by the Sandiganbayan in pursuance hereof, except for the bank account(s) he owned before his tenure as President.

“Upon acceptance of this pardon by Joseph Ejercito Estrada, this pardon shall take effect.

“Given under my hand at the City of Manila, this 25th day of October, in the year of Our Lord, two thousand and seven.

“Gloria M. Arroyo”…. from MANILA BULLETIN online

Si ERAP ay mahigit 70 years old. FACT! Dahilan bayun para palayain ang isang tao na sentensyado ng habambuhay na pagkabilanggo? Ay naku, madaming uugod ugod na sa kulungan na ngayon ay naghihintay pa din makalaya sa bisa ng power ni Aling Glo. Eh kung edad ang basehan, yung mga 69 years old, bago kayo magbertdey eh manggahasa kayo at magnakaw na din kahit kendi lang. At least di ba konting araw na lang lalaya din kayo. Hehehehe… 

Napakarami na ng kriminal of less offense than what Estrada did na naghihintay pa rin biyayaan ni Aling Glo ng kanyang Ultimate Power, ang PARDON. Pero ano, hanggang ngayon eh andun sila, nagtitiyaga at nagsisiksikan sa loob ng mabaho, masikip at maruming kulungan ng Pilipinas. Sabagay kung lalabas sila ng kulungan eh pareho lang din naman ang kalagayan, masikip, marumi at mabaho ang ating sistema. Pero bakit si erap na mahigit anim na taon lang, eh pardon kaagad. At hindi nya yun basta lang hiningi. Hindi sya nagmakaawa. Sya pa nga ang matapang na tatanggapin nya lang ang pardon kung ito ay absolute pardon. Taray ng lolo mo di ba. Powerful! Eh kumustahin naman natin yung mga kababayan natin sa loob. Ang ilan sa kanila hindi pa tapos ang hearing. Ang iba naman naman habambuhay na doon kahit walang kasalanan. Asan ang hinihingi nilang pardon? Asan ang hinihingi nilang pagbabago ng sistema sa loob? Natugunan ba ni Aling GMA kahit maliit na hinaing man lang? Asan ang tinatawag na hustisya? Wala! Kasi si Aling Gloria powerful sya kahit maliit lang.

Maaring hindi na nga magrun ng public office si Mang Erap. Pano naman ang hawak ng kanyang kapangyarihan? Paano ang kanyang tagasunod? Hindi malayong maraming nais sumunod sa kanyang yapak na maging pangGulo rin at gamitin ang kapangyarihan para yumaman ng sobra.  Madaling gawan ng paraan yan. Hindi man kumikilos si erap, pero sa taglay nyang superpower na nagmula pa sa dakilang bajula eh kaya nyang kunin ang atensyon ng mga kulang sa pansin at suportahan ang kanyang mga alipores.

Marami ang humalakhak at marami rin ang nanlumo sa ginawang pahayag ni GMA. Sa pamamagitan ng aking blush on at lipstick, ikaw erap ay makakalaya na. Tadan! Parang instant mami lang sa bilis. Kung yung iba eh nagaaksaya ng oras at salapi para sa muling pagdinig ng kaso, si erap paupo upo lang. Salamat dakilang bajula.

Maari raw kasi itong maging daan para muling buuin ang wasak wasak, laspag at punit punit na sitemang politikal ng pilipinas. At syempre bilang kabutihang ginawa ni Aling Glo, eh maari rin syang mapigyan ng PARDON ng susunod na master ng ating bansa kung sakaling sya ay maevict. Yun nga lang Aling Glo, kailangan eh umabot ka muna sa edad na panglolang lola na. Tsaka dapat meron ka ring resort na maari mong maging piiitan.

Maari ring isang paraan ito upang libangin tayong muli. Bagong palabas pero pareho naman ang gumaganap at napakadaling malaman kung paano magwawakas!

 

Published in: on October 26, 2007 at 10:13 am Comments (2)

LEt’S get SHOWbiZ

I was browsing on the net tapos nasight ko itong site na nagcocompare ng ratings ng abs at gma. Kung sino mas magaling achuchuchu with all the comments na parepareho naman ang sinasabi. Nakafocus ang ratings sa Marimar at kay angel na lumipat na ng dos dahil daw hindi sya naggrow up. Nakakatuwa isipin na ang pinoy ay very showbiz, fanatic kumbaga. Pag siniraan si idol ni churvah at asahan mong magrarally sa edsa ang fans ni kyembot. Back to marimar, nagkaroon ng comparison about kay angel and sa star ng marimar na si ‘gurang’ marianne, yun ay ayon sa nabasa ko. Naisip ko lang na pano kaya kung si angel ang marimar, na unang inoffer daw sa kanya bago sya sumakabilang bakod, ganun pa rin kaya ang ngitngit ng mga fans ng marimar ngayon. Pano kaya kung si marianne ang lumipat ng istasyon, pag-uusapan din kaya siya ng tao?

Nabasa ko din yung article ’bout dun lolit solis about sam-piolo date sa hotel na hindi ko maalala ang pangalan. Syempre hindi papayag ang papa sam na hindi papayag na humingi ng sorry, naimajin ko tuloy, pano kaya kung ang pagkakasabi nya ng “I demand public apology and retraction” para kay lolit eh kapareho ng pagbigkas nya “I never said that i love you”. Happy yun siguro. Syempre hindi naman nagpatalbog ang pagkababoy ni lolit, mas gugustuhin nya pa daw mademanda kesa bawiin nya ang kwento nya. Hahaha nakakatuwa sila, at least nadidivert sa kanila ang paghihirap ng pilipinas diba.

Published in: on October 25, 2007 at 9:26 am Comments (0)

KA RelaTE!

This was sent to me by my workmate during downtime.

Call Center Side Effects
Eto ang mga side effects ng pagtatrabaho sa CALL CENTER…

sa sarili mo :

01. wala ka nang pakialam sa buhay
02. di mo na kilala ang mga bagong artista…. si mahal at mura lang
03. di mo na alam itsura ng mga malls…
04. sanay ka na ding mag English o mag coño!
05. kaya mong tiisin na di palitan ang damit mo ng 16 hours

06. at magtataka ka dahil sanay ka ng magmura sa mga amerikano..
07. tawag sa auto mo ay taxi, kasi palaging gabi bumabyahe..

08. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala
09. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa sa work.
10. yung ex mo may kasama ng iba

11. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..
12. kapag may national crisis at rally, di ka makakasama… pakikinggan mo na lang sa radyo…at kahit binobomba na ayala nung Oakwood mutiny, nag-cacalls ka parin kasi bawal abandon calls.
13. oo nga pala! dati pag nag copy paste ka sa pc, ginagamit mo lang right click sa mouse, ngayon ctrl C at ctrl V na.



pag nasa bahay :

01. pagka sa sagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel…  

02. di na halos kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay “boarder” at sinisingil ka na nila sa upa mo! (uy magbayad ka!)  

03. di ka na kilala ng aso nyo
04. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay…
05. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng Eat bulaga at MTB

06. gusto mo na den bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo…
07. nag hahanap ka sa kahitbahay nyo na mga amerikano, australiano, at german at british…feeling pang international na ang world mo.
08. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!
09. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng paolo “payatot” santos
10. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo…..
11. di ka na nagbabawas sa bahay, sanay ka na sa cr ng 15th floor or ibang floors. 

12. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay
13. gusto mo na ding maglagay ng alcogel sa banyo nyo..
14. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…

15. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..
16. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT + DEL iba ang lalabas at matatawa ka na lang sa sarili mo dahil para kang gago.

17. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, magsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!
18. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang.. sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh…”I’m sorry sir/ma’am if you continue to use such an abusive language I’ll be forced to terminate this call, please be reminded too that this call is recorded.”

pag natutulog :


01. lahat ng style ng pagtulog….maiisip mo…di ka na sanay sa kama…sa LAZYBOY kana kasi nasanay matulog
02. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15min break nyo, itinutulog mo na lang…para fresh pagka kolls uli, mya na yung 1 hour nap…

03. mas sanay ka ng matulog ng nakabussiness attire…na mimiss mo yung matigas na sahig ng opisina nyo…tsaka yung malamig na aircon.
04. sanay kang makipagusap kahit tulog…pagtinanong ka ng kahit ano, tama ang sagot mo…ummmm naghihilik ka pa hayup ka! ! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati kols mo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kapatid mo dahil nagsisigaw kang sup call! sup call! sup call!  

06. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.
07. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata…kasi d pde pahuli

pag bumabiyahe:

01. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way….
02. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.
03. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic

04. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.
05. naka id ka pa kahit nasa jeep

sa mga friends mo :

01. ang tawag mo sa mga friends mo…dude, bro, coach, tl, sup.
02. pag binabati… ano nalang, pag kinukumusta ka ng mga kabarkada mo, lagi mo sinasabi ang opening speil mo!!!!
03. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.
04. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na’t alam mong successful lahat ng ka-batch mo.  

05. sasabihin mo nagtatrabaho ka sa CONTACT CENTER mas sosyal daw kasi pakinggan at hindi Call Center
06. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..
07. pag payday… olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun…minsan pa nga Performance Bonus mo lang yun.

08. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila.
09. pag nagkukuwento ka sa mga barkada jargon lahat. “avail, aux work, auto in, aht, after call work…etc. di nila maintindihan ang ibig sabihin at kung gaano kahalaga ang petix time..
10. kasi pagsinabi mong symphony, di nila alam yun. ako nga dito ko lang nalaman na may ganun pala eh..dagdag mo pa ang harmony at rams (yeah! program Cybertron yan!)

pag kumakain :

01. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga. pag Rest Day mo naman at natulog ka sa gabi, magigising ka pa din pag madaling araw na. iba na ang body clock mo. 02. di na dugo ang dumadaloy sayo, kape na or ice tea. nung nagpaospital ka ang nilagay sayo dextrose na my instant coffee at ice tea.
03. maski sa bahay, mabilis kang kumain…10 mins ayos na!
04. marami ka ng naipon na microwavable container

05. nag kokolekta ka na ng mga ketchup galing mcdo, jollibee, kfc, yellow cab, wendy’s etc…
06. nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave
07. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.
08. dami mo na naiipon na stirrer(red) galing starbucks or seattle’s best kakabili ng kape.

sa ofis naman :

01. tanong na mahirap sagutin … ” pag-introduce urself na, first-day sa etelecare -computer science grad ka-” ….. em a nursing grad ; pt grad ; psych grad. BAT KA NANDITO ?…akala mo…talagang computer specialist ang
kailangan….kasi nasa ads….. hayyy hehehe… beep beep… di naman cguro eng grad lhat dito ha…pero matalino at magaling mag-english required.
02. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!
03. papasok ka sa ofis na naka-jeans, t-shirt and cap (astig!)
04. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!
05. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay minsan triple pay pa malaki ang bayad…kaya lahat gusto pumasok pag holiday.
–ilugan pa!
06. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

07. master mo na gawin ang mag petix sa trabaho….
08. sanay ka na ang katabi mo sinusurprise visit ng GF niya akala kc nambababae, ka na naman…
09. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas. 10. yung iba dito na nakakahanap ng kabit nila eh……..
 
11. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. paguwi mo nandun parin.

12. Sanay ka na sa 6th day OT…habang tulog ka dahil off mo bigla tatawag TL mo at sasabihin ” Team we need to go to work at 3am today, we have a staffing deficit..pls cascade, pls acknowledge receipt of this msg.”
(Huwaaatttt????)
13. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.. hahahaha!
14. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwuatro ng umaga
15. favorite hang out place mo seven eleven o mini stop na…
16. dito ka lang makakakita ng pinagsama samang tinda na : medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon,
17. d2 ka n sa opisina nakabili lahat ng gamit mo.. -2nd hand celfon - 2nd hand pc - sabon - shampoo -sapatos - tocino - longganisa - hikaw - magazine - tv - ref - aso - libro - tshirt - pants - prepaid card - vcd - dvd -yema pati apartment d2 ka nakuha
18. kahit syampoo ng kabayo meron… hahahaha
19. carenderia mo sa pantry na!
20. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.
21. tapos yung fud magtatake out ka na lang. dito mo na lang sa office kakainin.
22. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel’s pancit canton, wendy’s. north park, star bucks,
23. na inlove ka nsa kape…
24. Di ka na marunong magtimpla ng kape manually, sanay kna kasi na isang pindot lang may coffee ka na, pwede rin chocolate mocha, coffe cream, hot chocolate, cafe latte, coffee mocha.
25. Ang vendo machine masaya gamitin, drink all you can tinawag na vendo pero free itow!
26. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!! syet! bawal pumasok ng amoy nakainom
27. d2 lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi mangarap…lalo na pagdating sa mga babae…hehehe!!! dami kasi magaganda!

sa internet cafe :

01. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!
02. puro kalyo na wrist at daliri mo.
03. dati 1 word per minute ka kabilis magtype, mgayon 2 words per minute. sanay ka ng magcopy and paste. 05. madalas nagcocommunicate mga tao sa Outlook nalang…hala sige! spamming! kasi nire-reserve mo voice mo for your next long call.
06. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

MARAMING SALAMAT SA GUMAWA NG ARTICLE NA TOH!

Published in: on at 5:05 am Comments (0)

Moving oN!

I had some good chat with an old friend of mine. Kakatuwa kasing halatang nakikipagplastikan lang kame sa isa’t isa. No, wala kaming pinagawayan in the past pero plastikada lang talaga siya. Amoy nasusunog nga na tupperware during the talks. Wahahaha. And guessed what, nadiscover ko din na nagsex sila ng ex ko nung kami pa din. hahaha funny. And another funny thing is that wala akong mafeel na pain. Ewan ko ba, kahit nung kami pa naman tapos may matutuklasan ako tungkol sa kanya eh wala namang pain in my heart. Wala yung thrill ng pag-iyak, pagskip ng meals, pagkatamlay. Walang mga ganun. Natatawa na lang ako! Hahahaha. Kasi mukhan naman siyang palaka tapos may pumapatol pa din sa kanya. It made me think na pagdating pala sa aspetong sex, eh takpan mo lang ng pambalot ng pandesal ang mukha eh keri na for jugjugan. Another thing is that kung iniisip ba nila how lousy that person in bed! Ay naku grabe, sobra hindi ka lilibugan! Walang thrill. Basta basta lang kung magtrabaho. Walang passion. Harharhar.

Anyways, after that nakit ako si ex. At ayun binenta na ata yung hiniram nya na selpown ko. Kahit naman antique na 2100 lang yun na nakakapudpod ng daliri eh mahal ko yung selpown na yun. Sa isang koreano ko nabili yun sa halagang php700. Wala ngang money value yun kasi sira sira na, pero functional pa naman. Tsaka yun ang paborito ko sa apat na selpowns ko. Mawala ng lahat wag lang yun.

Ayun, balak ko na nga magpablotter eh. hehehe. O kaya i’ll do it my way! Pwersahan na lang. Next time i’ll post a picture para makita nyo sya at pangilagan. Hahahaha.

Published in: on October 23, 2007 at 5:15 am Comments (0)

POtaH!

Kagagaling ko lang ng two-day restdays. Ang bumungad saken eh mga maiingay na agents na walang pakialam kung may mga kausap ba sa phone mga kawork nila. Geesh.. It’s not a happy environment, it’s disgusting.

Published in: on at 3:20 am Comments (0)

Noah’s Pinoy Version

This was posted by engengz in his blog. Kinuha ko sya ng walang pahintulot. Sorry naman. Ang ganda kasi ng article. Kaya irepost ko toh!

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at
sinabing “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t-ibang kapuluan.”

Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?”

Tumugon si Noah, “Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko
ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.

Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang Manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarunga ng pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation”.Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive officia l, napilitan siyang tumistigo.

Na ng malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sin abi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”.

“Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.” Ang huling wika ni Noah.

Napa-il ing ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.


* ang post na ito ay ninakaw ko ng walang permiso mula sa friendster ni rachel. wateber. thanks sa matalinong gumawa. na save ako mula sa paghahanap ng bagong ideya. hay, salamat sa nakaimbento ng copy paste.

Published in: on October 19, 2007 at 8:38 am Comments (0)

bAKIT ako nagbloblog?

1. PAMATAY Oras - Sino ba naman kasing hindi mababaog sa loob ng 9 na oras na nakatelebabad ka diba? Tapos puro kamag-anak ba ni BONDYING mga makakausap mo na inuulit lang mga sinasabi ko. Hayz ganyan ang buhay sa khall sena! So I need to find something to keep me busy. DYARAN! Blogging. Buti nga hindi pa nabloblock ang wordpress dito kung hindi naku, dadanak ang dugo!

2. Para MAGPAPAnSIN - Hoy pansinin nyo naman ako kahit hindi ako magaling. Papampam lang din kung bakit ako nagbloblog. Malay mo, dito ko makita ang fountain of life, ang tree of knowledge, ang fountaion of youth. Pag nagkataon magiging immortal ako… wahehehe.

3. As an outlet - Kailangan kasing ilabas ang mga nagtatagong init sa aking katawan. Kung hindi eh babaho dito sa opisina kahit amoy BASURA na (joke lang). Syempre kesa magsayaw ako ng hubad, eh di ilabas ko na lang lahat ng galit at hinanakit ko dito sa blog. Malay mo umabot kay GMA at kasama ko syang mamulat.

4. Para makalevel ang mga blogista na sikat - Feeling naman. Hehehe. Nainspire lang kasi ako kay wanda. Yun yung pinakaunang blog na nabasa ko at sinubaybayan ko. Grabe sobrang galing nya, kahit medyo bastos yung topic eh nagiging light and wholesome paa din. Salamat wanda for inspiration. You ROCK! as in mukha kang bato hehehe oh di kaya bangag ka na. hehehe. labyu wanda. Thanks for inspiring me.

5. Para maging busy ang mga kamay ko - hindi yung kung anu-ano ang hinahanap hanap at nilalaro laro. At least kesa pasmahin ako ng walang dahilan eh ibuhos ko na lang ang typing speep skills ko dito sa pagbloblog. Siguro pede din daliri sa paa pag napagod na kamay ko.

Hay yan lang muna… kakabagot kasi dito sa opis ala ako maisip na isulat.

Published in: on at 7:22 am Comments (0)

PUSA

Mhing Mhing Mhing Mhing!!!

Published in: on October 18, 2007 at 3:05 am Comments (1)

LIVE LIFE! ONE IS ENOUGH

Nakita ko lang toh sa blog ni kalye27. Downtime kasi.. so boring, pinasok pa ko ni ghost rider.

1. Name one person who always text you..

* Si teddy… mukha siyang pusa.. mhing mhing mhing…

2. Do you think some people are born stupid?

* Nope… We are all born naked!

3. Name one negative thing about you?

* Napakaganda ko… dami tuloy nabubulag

4. Status?

* It’s COMPLICATED! Naks friendster na friendster…

5. What were you doing 30 minutes ago?

* Riding a jeepney na puno ng asshole!!!

6. Sport you wanted to learn?

* Kickboxing… Hiyaaaaah!

7. Ever tried gymnastics?

* A lot of times.. sa BED wahahaha

8. What was the last thing you bought?

* Red na ESPRIT long sleeve… sa ukay wehehehe

9. Do you talk a lot?

* MORE than a lot!

10.Do you believe that love is blind?

* NO. Only eyes can be blind!

11.Where is your brother?

* Sino sa kanila?

12.How was your day yesterday?

* ZERO sales… wahahaha bagsak manen!

13. What is the last ice cream flavor you had?

* QUEZO QUEZO QUEZO tapos sinawsaw sa chizwhiz.

15.People describe you as….

* BLOCKBUSTER! parang SUKOB lang…

16.Contented in life?

* Uhmmm.. kinda

19.Are you happy with the love of your life?

* UBER… so much jerjer

20.Do you skip meals?

* Pag malapit na sweldo… la na kasi pera nun!

22.What color is your gate?

* WALA kaming gate! tse!

23.Reason for living?

* I just wanted to live! Sayang ang life convertibles pa naman!

24.Are you typically a jolly person?

* NOPE! I’m YUNIK!

25.Name one enemy of yours:

* AMIHAN! wahahahaha humanda ka reyna AMIHAN! kashing kashing

26.Name close girls friend:

* Napakadami… pakibasa na lang ang webster!

27.Who’s the first person in your phonebook?

* Si A… Sino SYA?

28.What did the last text message you received say?

* INGATZ

29.Do you go to gym?

* Yup.. sa labas.. sight seeing!

30.Song playing at the moment:

* WALA.. bawal eh.

31.How do you cope with stress?

* JERJER! wahehehe

32.Ever broken someone’s heart?

* EWAN ko…

33. What makes you happy?

* REST DAYS tsaka JERJER!

33. What is the last thing you said aloud?

* JERJER!

35. How much is your tuition fee?

* I can’t remember na eh

36. Is someone bitter to you?

* YEAH.. sobrang bitter.. CHARaNTIA awardee sya.

Published in: on at 2:32 am Comments (0)

MY LIFE IS A MESS!

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ako nakatelebabad sa telepono otso oras araw araw eh naturingang chemical engineering graduate ako. Ganun na ba kahirap maghanap maghanap ng trabaho ngayon at kahit hindi linya ng natapos naten eh pinapasok naten? Kulang ba ang trabahong nakalaan dapat sa isang tulad ko, o sadyang tamad lang talaga ako? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin napagdedesisyunan kung matetake ba ako ng board exam o ipagpapatuloy ko na lang ang nasimulan ko. Ok naman ang sahod kaso parang may kulang. Wala yung hinahanap ko na satisfaction sa mga ginagawa ko. Masaya naman ako pero nawala na yung excitement na pumasok araw araw. Oh god! gimme some break. Kailangan ko ng 48 years na pahinga kung hindi sasabog na ako.

Published in: on October 17, 2007 at 9:04 am Comments (1)