DAHIL SA kuryente

…Lagi akong napapalayas sa balaysung….

Hindi naman literal na pinapalayas. Kusa kaming tumatakas dahil wai kami pamabayad ng kuryente. Putek, hindi lang isang beses nangyari ito. 6 na boarding haws at apartments ang nalipatan ko at iisa ang dahilan kung bakit kami umaalis. Dahil sa punyetang kuryente.

Yung unang tinirhan ko eh umabot ng 9k ang bill ko ng kuryente. Kumusta naman kasi ang 3 taong pananatili ko dun at ni isang buwan eh wa ako nagpay ng electric bill. Kasi naman isa akong dakilang iskolar, at dahil bait bait ang may-ari ng bahay eh binigyan ako ng priviledge na higupin ang kuryente nila. Eat all can ng libre. Kaso dumating yung point na nagkasakit at hindi na makaya pang lumipad, may pumalit na bagong caretaker. Si miss Minchin na kamukha ni majinbu. Garapal sya sa pera neng at akalain mong kinalkal nya talaga sa baul ni yamashita ang files ng mga hindi nagbabayad. And surprise, isa ako dun. Eh di pinatawag kame at inisa isa ang utang ng bayan. Binigyan ba naman ako ng ultimatum hanggang kinabukasan na bayaran yung putek na kuryente, eh di syempre mahina pa ang powers ko nun kaya hindi ko kinaya. Buti na lang prepared na lahat ng things ko for evacuation kaya nung gabi eh akyat-bakod gang ang drama ko, may sa pusa pa ang pagkilos para kunwari hindi ako naririnig. Eh yun, kinaumagahan wala na kong problema. Akala ko lang pala…

Nakitira ako ng isang gabi sa isang good friend then lumipat ako sa apartment ng friend ko. 1 month lang ako nagstay dun kasi umatake naman si picachu na ang power ay kuryente. Ayun at meron syang outstanding bill at putek hindi nya ko siningil sa bahay pero kumusta naman at iniatang sa aking mga balikat ang mahiwagang kuryente. Ayun syempre kasama ako sa mga tao ng third world countries kaya di ko nakayanan ang revelation.

Next na nilipatan ko eh apartment with friends. Ok naman lahat sa simula hanggang bago kame umalis. On time ang pagbayad namin ng bills. Akalain mo. Meron akong isang friend na nagwowork nun sa jollibee na inampon namin dahil nagawol sa kanila. Malapit na matapos yung contract namen nun sa apartment. Yung pambayad namen ng kuryente eh pinahawak namen sa kanya para sya na lang magbayad dahil busy busyhan kame nun sa pag-aaral. Binayad naman daw nya, kaso nung dumating next na bill namen eh may kasamang notice of disconnection na pag hindi kame nakapagbayad. Putek! Hindi pala ibinayad ng magaling kong kaibigan. Ayun ok naman sana kung sinabi nya para nagawan ng paraan kaso hinde! hinde! hinde! Pinaniwala nya kame! Ayun kinuha ng landlady namen yung 2 tv namen dahil siya nagbayad ng ilaw. At kinabukasan eh nagevacuate na naman kame. Walang preparation biglaan lang. Gamit pa namin nun nung pinaalis kame eh garbage bag! Hanep!

Madali naman kame nakakita ng bagong malilipatan courtesy of my dearest friend. Isang Apartment na 2 bedrooms tapos may attic. 3 floors yun at tatlo lang din kame. Dahil nga taghirap kame nun eh naubos ang books namen kakabenta para may pambayd ng bagong bahay. Haays buhay estudyante! 2 months lang kame dun dahil graduating kaming 3 eh summer yun. At hanggang ngayun eh hindi pa kame nakakabayad ng kuryente dun, and pinambayad namin yung washing machine. Hahaha. Buti na lang madami kameng gamit na pede ipambayad.

Syempre wala na kaming matitirahan eh nagpaampom kami sa isang dambuhalang kaibigan. Takenote, dambuhala talaga sya, para syang tamagochi kasi tayo tayo pa yung buhok nya. Kakatawa dun sa room na inuupahan nya kasi ninanakawan namin ng bigas yung landlady nya. Hehehe sorry po dala lang ng kabataan. Tapos yung fresh milk sa ref eh kukunin namin tapos papalitan namin ng tubig. Hahaha may countings pa yun dapat para accurate na accurate. From out of nowhere eh biglang kaming siningil ng landlady nya ng kuryente. Eh sabi kasi namin eh mga 1 week lang kami dun. Kumusta naman ang kakapalan namin at umabot kami ng isang buwan dun. Hehehehe

Yung kasalukuyan kong tinitirhan na room eh mukhang ganun din ang magiging problema. Putek naman kasi makagamit ng kuryente yung nasa kabilang kwarto. Eh common na metro lang ginagamit namen kaya ayun parang electric fan ang ikot ng metro. Pero mabait naman landlady ko ngayon kahit late ako lagi magbayad. Sinisingil nga ko nun minsan umagang umaga nakatikim sya saken. Sabi ko sa kanya “Wag mo kong masingilsingil jan, kagigising ko lang!”. Hehehe

Published in: on October 19, 2007 at 8:02 am Comments (0)