!NODRAP

GMA made another big move. That was when she gave ex-president Estrada a PARDON!

Oh Pleeeeesh….

The full text of Mrs. Arroyo’s grant of pardon to Estrada follows:

“Whereas, this administration has a policy of releasing inmates who have reached the age of 70;

“Whereas, Joseph Ejercito Estrada has been under detention for six and a half years;

“Whereas, Joseph Ejercito Estrada has publicly committed to no longer seek any elective position or office;

“In view hereof and pursuant to the authority conferred upon me by the Constitution, I hereby grant executive clemency to Joseph Ejercito Estrada, convicted by the Sandiganbayan of plunder and imposed the penalty of reclusion perpetua. He is hereby restored to his civil and political rights.

“The forfeitures imposed by the Sandiganbayan remain in force and in full, including all writs and processes issued by the Sandiganbayan in pursuance hereof, except for the bank account(s) he owned before his tenure as President.

“Upon acceptance of this pardon by Joseph Ejercito Estrada, this pardon shall take effect.

“Given under my hand at the City of Manila, this 25th day of October, in the year of Our Lord, two thousand and seven.

“Gloria M. Arroyo”…. from MANILA BULLETIN online

Si ERAP ay mahigit 70 years old. FACT! Dahilan bayun para palayain ang isang tao na sentensyado ng habambuhay na pagkabilanggo? Ay naku, madaming uugod ugod na sa kulungan na ngayon ay naghihintay pa din makalaya sa bisa ng power ni Aling Glo. Eh kung edad ang basehan, yung mga 69 years old, bago kayo magbertdey eh manggahasa kayo at magnakaw na din kahit kendi lang. At least di ba konting araw na lang lalaya din kayo. Hehehehe… 

Napakarami na ng kriminal of less offense than what Estrada did na naghihintay pa rin biyayaan ni Aling Glo ng kanyang Ultimate Power, ang PARDON. Pero ano, hanggang ngayon eh andun sila, nagtitiyaga at nagsisiksikan sa loob ng mabaho, masikip at maruming kulungan ng Pilipinas. Sabagay kung lalabas sila ng kulungan eh pareho lang din naman ang kalagayan, masikip, marumi at mabaho ang ating sistema. Pero bakit si erap na mahigit anim na taon lang, eh pardon kaagad. At hindi nya yun basta lang hiningi. Hindi sya nagmakaawa. Sya pa nga ang matapang na tatanggapin nya lang ang pardon kung ito ay absolute pardon. Taray ng lolo mo di ba. Powerful! Eh kumustahin naman natin yung mga kababayan natin sa loob. Ang ilan sa kanila hindi pa tapos ang hearing. Ang iba naman naman habambuhay na doon kahit walang kasalanan. Asan ang hinihingi nilang pardon? Asan ang hinihingi nilang pagbabago ng sistema sa loob? Natugunan ba ni Aling GMA kahit maliit na hinaing man lang? Asan ang tinatawag na hustisya? Wala! Kasi si Aling Gloria powerful sya kahit maliit lang.

Maaring hindi na nga magrun ng public office si Mang Erap. Pano naman ang hawak ng kanyang kapangyarihan? Paano ang kanyang tagasunod? Hindi malayong maraming nais sumunod sa kanyang yapak na maging pangGulo rin at gamitin ang kapangyarihan para yumaman ng sobra.  Madaling gawan ng paraan yan. Hindi man kumikilos si erap, pero sa taglay nyang superpower na nagmula pa sa dakilang bajula eh kaya nyang kunin ang atensyon ng mga kulang sa pansin at suportahan ang kanyang mga alipores.

Marami ang humalakhak at marami rin ang nanlumo sa ginawang pahayag ni GMA. Sa pamamagitan ng aking blush on at lipstick, ikaw erap ay makakalaya na. Tadan! Parang instant mami lang sa bilis. Kung yung iba eh nagaaksaya ng oras at salapi para sa muling pagdinig ng kaso, si erap paupo upo lang. Salamat dakilang bajula.

Maari raw kasi itong maging daan para muling buuin ang wasak wasak, laspag at punit punit na sitemang politikal ng pilipinas. At syempre bilang kabutihang ginawa ni Aling Glo, eh maari rin syang mapigyan ng PARDON ng susunod na master ng ating bansa kung sakaling sya ay maevict. Yun nga lang Aling Glo, kailangan eh umabot ka muna sa edad na panglolang lola na. Tsaka dapat meron ka ring resort na maari mong maging piiitan.

Maari ring isang paraan ito upang libangin tayong muli. Bagong palabas pero pareho naman ang gumaganap at napakadaling malaman kung paano magwawakas!

 

Published in: on October 26, 2007 at 10:13 am

The URI to TrackBack this entry is: http://dimpzmanuel.wordpress.com/2007/10/26/nodrap/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 Comments Leave a comment.

  1. On November 3, 2007 at 12:20 pm dotep Said:

    wala na din tayong magagawa diyan.. nakalaya na eh,akala kasi ni gloria iwas pusoy siya kapag ginawa niya yun, ayun madami tuloy nagalit, akalain mo ba namang kahahatol lang eh pinawalan na agad!

    magulo talaga philippines pero masaya naman kahit papano..

  2. On January 13, 2008 at 4:27 pm fiona Said:

    ganon talaga ang buhay, go with the flow na lang tayo.

Leave a Comment