bAKIT ako nagbloblog?

1. PAMATAY Oras - Sino ba naman kasing hindi mababaog sa loob ng 9 na oras na nakatelebabad ka diba? Tapos puro kamag-anak ba ni BONDYING mga makakausap mo na inuulit lang mga sinasabi ko. Hayz ganyan ang buhay sa khall sena! So I need to find something to keep me busy. DYARAN! Blogging. Buti nga hindi pa nabloblock ang wordpress dito kung hindi naku, dadanak ang dugo!

2. Para MAGPAPAnSIN - Hoy pansinin nyo naman ako kahit hindi ako magaling. Papampam lang din kung bakit ako nagbloblog. Malay mo, dito ko makita ang fountain of life, ang tree of knowledge, ang fountaion of youth. Pag nagkataon magiging immortal ako… wahehehe.

3. As an outlet - Kailangan kasing ilabas ang mga nagtatagong init sa aking katawan. Kung hindi eh babaho dito sa opisina kahit amoy BASURA na (joke lang). Syempre kesa magsayaw ako ng hubad, eh di ilabas ko na lang lahat ng galit at hinanakit ko dito sa blog. Malay mo umabot kay GMA at kasama ko syang mamulat.

4. Para makalevel ang mga blogista na sikat - Feeling naman. Hehehe. Nainspire lang kasi ako kay wanda. Yun yung pinakaunang blog na nabasa ko at sinubaybayan ko. Grabe sobrang galing nya, kahit medyo bastos yung topic eh nagiging light and wholesome paa din. Salamat wanda for inspiration. You ROCK! as in mukha kang bato hehehe oh di kaya bangag ka na. hehehe. labyu wanda. Thanks for inspiring me.

5. Para maging busy ang mga kamay ko - hindi yung kung anu-ano ang hinahanap hanap at nilalaro laro. At least kesa pasmahin ako ng walang dahilan eh ibuhos ko na lang ang typing speep skills ko dito sa pagbloblog. Siguro pede din daliri sa paa pag napagod na kamay ko.

Hay yan lang muna… kakabagot kasi dito sa opis ala ako maisip na isulat.

Published in: on October 19, 2007 at 7:22 am

The URI to TrackBack this entry is: http://dimpzmanuel.wordpress.com/2007/10/19/bakit-ako-nagbloblog/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Comment